Saturday, January 27, 2007

The Green Green Grass of Home

I'm home. Home sweet home. I love Home!

Masaya sa tunay na bahay. Ngayon ko lang na-a-appreciate ng lubusan.

May pagkain na pag-gising.
May pagkain pag-uwi mo.
May ulam na hindi palagi delata at pinirito.
May aso na sumasalubong sayo.
May pusa kang malalaro.
May mga instrumento kang matutugtog.
May telepono na pang-internet.
May damo sa likod ng bahay.

Hindi ikaw ang naglilinis ng CR.
Hindi ikaw ang naglalabas ng basura.
Hindi ikaw ang nagbabayad ng kuryente at tubig.
Hindi mo gastos ang pagkain mo.

Okay lang mag-ingay magpasawalang-hanggan.
May cable at malinaw ang TV.
At iyong-iyo ang buong kwarto mo.

I love Home!

I survived the first month of the year without asking for any allowance! Hahahaha! Paid for my rent, my expenses, and of course... saved some. Wala nga lang pang-shopping. Pwede naman pala ako mabuhay sa sweldo ko lamang. Hihihihihi.

No comments: